Iba na nga kasi ang panahon ngayon. Di na uso ang telang lampin na nilalabhan, sinasampay at ginagamit ulit. Naging mas madali at handy na kasi ang disposable diaper kaya ito na ang laging pinapasuot kay child. Iyon nga lang, marami ang nakakapansin na mas naging madalas ang kaso ng rashes o pamumula ng diaper space ng mga batang hindi pa toilet-trained—dahil nga daw sa disposable diapers.
Ang katotohanan
Ang diaper rash ay karaniwang nangyayari sa mga bata. Wala yatang batang hindi nakaranas nito, kahit hindi malala. Hindi po ito dahil sa pabayang mga magulang. Ito ay uri ng contact dermatitis o sakit sa balat na sanhi ng maraming bagay. Nagiging malala ito kung hindi naaagapan o naiimpeksiyon ng micro organism o yeast.
Ang diaper rash ay pamumula ng bahagi ng ibabang katawan, mula harap hanggang sa puwetan ng bata. Ito ay tumutukoy sa pagka-irita ng balat sa bahaging ito dahil na nga sa suot na lampin. Kahit hindi pa uso o hindi pa nagsusuot ng disposable diaper ang mga bata nuong sinaunang panahon, mayron nang kaso ng diaper rash. Nagmimistulang mas madalas at mas malala lamang ngayon dahil hindi maikakaila na kapag nababad sa materyal ng disposable diaper ang balat ng bata, ay mas nakakairita ito.
Tinatawag din itong diaper o ammonia dermatitis. Ang dermatitis ay ang pamamaga at labis na pamumula ng balat. Maraming sanhi ng kondisyong ito, pero ang pinakakaraniwan ay ang contact irritation o pagka-irita ng balat dahil sa mga bagay na dumadampi dito, lalo’t nabababad sa basa.
Ano ang sanhi nito?
Maraming kategorya ang dermatitis. Nariyan na nga ang nabanggit na contact dermatitis na might pamumula na parang sunburn, at dahan-dahang pagkatuklap ng unang layer o patong ng balat.
Minsan naman, impeksiyon ng balat ang kaso ng rash. Ang mga micro organism (staph at strep) at yeast/fungal (Candida) ay mga pinakakaraniwang sanhi ng diaper rash. Ito ang mga maliliit na blisters o sugat na sadyang masakit at humahapdi kapag nagagalaw o nababasa. Ang Candida ay nakikita sa tupi ng balat at singit-singit, at karaniwan sa bahagi ng puwet.
May mga kaso din ng allergic response. Ito ay sanhi ng mga allergens tulad ng sobrang pabango o mga kemikal sa wipes at diaper. Kung ito nga ay kaso ng allergy, kailangang kumunsulta sa allergologist upang magpa-skin-patch testing at malaman kung ano ang allergen na dapat iwasan.
Sa ilang bihirang sitwasyon, might mga naitala ding kaso ng pang-aabuso sa bata tulad ng excessive neglect o tahasang pagpapabaya at pagbabanli sa mainit na tubig na nagiging dahilan ng diaper rash.
Anumang uri ng dermatitis, hindi nakakatulong ang init ng panahon dahil pinapawisan si child, lalo na’t naka-disposable diaper.
Paano magagamot ito?
Una na ang common at maagap na pagpapalit ng lampin ng bata. Kung maiiwasang mababad ang balat nito sa basa o lalo na sa dumi, maiiwasan ang pagka-irita. May mga nilalagay ding cream na epektibo sa pagsupil ng bacteriang maaaring mamuo sa balat.
May naglalagay din ng petroleum jelly, at kung malala na, might topical antibiotic/antifungal ointments, at low-potency hydrocortisone cream. Ito ay sa payo lamang ng iyong pediatrician at hindi dapat ilagay ng walang payo ng doktor.
IWASAN ang mga high-potency steroid cream, pulbos, o purong baking-soda o boric-acid tub, pati ang mga ointment na might neomycin. Ito ay kasama sa mga haka-hakang nakakagamot, at hindi pinapayo ng mga doktor.
Kuwento ni May Ann Santos-DeRama, nanay ni Jayden Rain, 2 taon at pitong buwang gulang, nakaiwas siya sa ngayon sa diaper rash dahil nilalagyan niya ng petroleum jelly ang diaper space pagkaligo ng bata at bago ilagay ang lampin. Iniiwasan din niya ang paggamit ng mga komersiyal na moist wipes dahil nga matapang ito. Sabon at tubig lang talaga lalo kung nasa bahay lang naman sila.
Maagap din si Daisy Pingol sa pagpapalit ng lampin ni Jacob, 9 na buwan. Hindi rin siya gumagamit ng moist wipes. Maligamgam na tubig lang at sabon. May nakahandang SudoCrem pero hindi pa nila nagagamit.
Ito kasi talaga ang pinakamainam na panlaban sa kondisyong ito: ang pag-was sa mga precipitating brokers o mga bagay na nakaka-irita sa sensitibong balat ni child. Kapag kasi palaging napapahiran ng kemikal o alkohol, pure lang na magagasgas ang balat, at maiirita.
Minsan, kung maganda rin lang ang panahon, o naka-air-condition kayo sa bahay, hayaan munang walang lampin ang bata upang makahinga lang ang diaper space nito, lalo na kung malala na ang rashes niya. Nakakatulong din ang pagpapaupo sa maligamgam na tubig sa tub tub ni child (kung nakakaupo na siya), ng 15 hanggang 20 minuto sa isang araw. Hingin ang payo ng pediatrician ni child tungkol dito.
Madalas na nawawala din ang rashes pagkalipas ng ilang araw. Kung umabot ito ng isang linggo, ikunsulta agad sa doktor.
References: Horii, Kimberly A., and Trisha A. Prossick. “Overview of diaper dermatitis in infants and children.” July 9, 2013. UpToDate.com
READ: Baby pimples and rashes: 5 Common sorts and their correct therapy