Connect with us

Normal bang umiyak ang bata pagkatapos matalo sa isang laro?

menu

BABY

Normal bang umiyak ang bata pagkatapos matalo sa isang laro?


Normal na sa mga magulang na malito sa inaasal ng kanilang mga anak. “Normal ba ito o mali na ang pagdidisiplina ko sa kanila?” Ano nga ba ang uri ng disiplina na tama?
Mababasa sa artikulong ito ang:

Bakit ayaw matalo ng bata?
Paliwanag ng mga eksperto rito

Kung anu-anong pumapasok sa isip ng bawat magulang sa bawat paggalaw ng kanilang anak. Ngayon, malalaman natin kung ano ang pahayag ng mga eksperto sa batang ayaw magpatalo o lumaking “competitive”.

Uri ng disiplina | Image from iStock

Uri ng disiplina: Bakit ayaw matalo ng bata?
Tanong: Madalas umiyak ang 5-year-old kong anak nasa bahay man siya o nasa school. Gusto niyang siya lagi ang nasa unahan ng pila o nananalo sa isang laro. Minsan, hindi siya naglalaro ng bingo o tag dahil ayaw niyang matalo. Kailangan ko bang mag-alala? Nakausap ko naman na ang anak ko na sa buhay, kailangan nating magbigay at hindi lagi ay nananalo.
— Linda Blanton Mourad, New Braunfels, Texas
Sagot: Linda, katulad ng anak mo, ayoko ring sumali sa isang laro kung alam kong matatalo lang ako. 38 years old na ako pero hindi ko siya inaalala. Ayon sa mga eksperto, ang pagiging “competitive” ay matagal na proseso. Maituturing na “personality struggle” ang pinagdadaanan ng iyong anak.
BASAHIN:

Okay lang ba na hayaan umiyak si baby? Ito ang sabi ng mga eksperto

Mali bang sabihan ng “‘Wag kang umiyak!” ang bata?

5 paraan para madisplina ang batang nananakit

Paliwanag ng ni Dr. Hunter
Ayon kay Sally Beville Hunter, PhD, isang clinical associate professor of child at family studies sa University of Tennessee, Knoxville, sa edad na lima, mabilis na naaalala ng iyong anak ang mga rules ng bawat laro. Kaya naman importante para sa kanila ang bawat rule. Nais nilang gawin ito ng perpekto at agad na naiinis kapag nagkamali.
Isa pang ibinigay na halimbawa ni Dr. Hunter ang larong soccer. Kung pagmamasdan ang mga batang naglalaro, mapapansing wala silang ipinapakitang strategy o direction. At agad na nag be-breakdown kapag pumasok sa maling net ang bola.
Paliwanag ni Dr. Moore
Kung tutuusin, nagsisimulang matutunan na kontrolin ng mga bata ang kanilang feelings pagpasok nila sa school. Para naman kay Chris Moore PhD, propesor ng department of psychology at neuroscience sa Dalhousie University in Halifax, Nova Scotia na sa edad na lima, ang pagiging competitive ng mga bata ay wala pang “empathy” na kasama.
Ipinaliwanag din ni Dr. Moore na binigyan ng pagpipilian ang mga bata. Tinanong ang mga ito kung kapag binigyan sila ng isang sticker, bibigyan din nila ng isang sticker ang ibang bata. Ngunit kung bibigyan sila ng dalawang sticker, makakatanggap naman ng tatlong sticker ang ibang bata.

“If someone else is doing better than them, kids don’t like that,”

Dagdag pa niya na, “And there’s some situations where kids like it even less.”

Uri ng disiplina | Image from iStockPinili ng bata ang naunang choice.

Paliwanag ni Dr. Kennedy
Ngayong nalaman na natin na ang ugali ng iyong anak sa edad na ito ay parte ng kanilang paglaki, alamin naman natin kung paano sila i-handle sa sitwasyon na ito.
Payo ni Becky Kennedy, PhD., isang clinical psychologist sa New York na kailangang ihanda ang iyong anak bago magsimula ang laro o isang aktibidad. Ipaliwanag ang konsepto ng pagkapanalo at pagkatalo.

“You’re almost pre-regulating the emotion,”

Maaaring sabihin sa kaniya na,

“We’re about to play a game where someone is going to win and someone’s going to lose, and that’s tricky. When I lose, I get really upset.”

Ipalinawag sa iyong anak na maski ikaw ay nahihirapan sa ganitong ugali. Sa paraang ito, maiiwasan nilang mahiya sa kanilang mga sarili at matutulungan din sa “problem-solving” mode. “I can’t get rid of that bad feeling, but I can take a deep breath and remind myself that I can handle hard things.” dagdag pa ni Dr. Kennedy.

Uri ng disiplina | Image from Unsplash

Bukod pa rito, kung ikaw mismo ang kalaro ng iyong anak, maaaring ipaliwanag sa kanila ang konsepto ng pagkatalo. Ang pinaka-goal mo ay ikalma sila. “What would happen if I win? Do you think you might want to say ‘no fair’?” maaaring ito ang sabihin sa kaniya.
Ayon naman kay Dr. Hunter, napapagaralan ng mga bata ang ugali ng bawat isa kapag sila ay magkakalaro. Naiintindihan na nila na kapag umiyak ang isang bata dahil sa pagkatalo, pagtatawanan din siya ng ibang batang makakakita sa kanila.
Paliwanag ni Dr. Moore,

“You do see some kids are quite driven to be competitive, and that’s something that may stay with them their whole lives,”

Hindi ibig sabihin na nakontrol nila ang kanilang sarili sa harap ng ibang bata ay hindi na sila tatamaan ng tantrums pagkatapos matalo.
 
“Why Your Child Hates to Lose” by Jessica Grose © 2020 The New York Times Company
This story was originally published on 2 December 2020 in NYT Parenting.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Translated in Filipino by Mach Marciano
The post Uri ng disiplina sa batang umiiyak kapag natatalo sa isang bagay appeared first on theAsianparent Philippines: Your Guide to Pregnancy, Baby & Raising Kids.

Original Source: https://ph.theasianparent.com/uri-ng-disiplina?utm_source=rss-feed&utm_medium=rss&utm_campaign=feed
Written by: Mach Marciano on 2021-01-06 02:00:08

Click to comment

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply

More in BABY

To Top